May-Kaalamang Pahintulot para sa Paglahok sa Sarbey
Ang pag-aaral na pinamagatang
#GasGoals: Understanding Consumer Preferences in LPG Usage ay isinasagawa ng mga mag-aaral mula sa kursong AB Management Economics ng Ateneo De Manila University. Layunin ng pag-aaral na ito na maunawaan ang ugali ng mga mamimili sa pagbili at paggamit ng LPG. Hinihiling na inyong sagutan ang isang sarbey questionnaire na aabutin ng 15 hanggang 20 minuto ng iyong oras.
Kaugnay nito, humihingi kami ng iyong pahintulot upang ikalap at gamitin ang ilang personal na impormasyon tulad ng: kasarian, edad, katayuang sibil, at impormasyon sa pakikipag-ugnayan (hal. email address o numero ng cellphone).
Ang iyong mga impormasyon ay gagamitin para lamang sa mga sumusunod na layunin:
Para sa random na pagpili at maayos na pag-profile ng mga survey respondent;
Para makipag-ugnayan sa iyo kung kinakailangan para sa paglilinaw o beripikasyon ng iyong mga sagot;
Para sa pagsusuri ng mga resulta ng survey ayon sa demograpikong impormasyon, sa isang pinagsama-sama at hindi makikilala na paraan.
Ang lahat ng personal na datos na makokolekta ay maingat na pangangalagaan at gagamitin lamang para sa layunin ng pananaliksik. Ang iyong impormasyon ay hindi ibabahagi sa sinumang hindi kabilang sa research team nang walang tahasang pahintulot niyo. Ang datos ay ligtas na itatago at pananatilihin sa loob ng maximum na dalawang (2) taon, pagkatapos nito ay permanente itong buburahin.
Ang pag-aaral na ito ay sumusunod sa Data Privacy Act of 2012 at iba pang kaugnay na regulasyon. May karapatan kang ma-inform, tumutol, magkaroon ng access, itama, at bawiin ang pahintulot anumang oras na walang konsikuwensya. Para sa karagdagang impormasyon ukol sa iyong mga karapatan sa privacy, bisitahin ang website ng National Privacy Commission:
https://privacy.gov.ph/know-your-rights/