Page 1 of 4

Recruitment Form: Sales Agent (Egg Dealer)

Salamat sa iyong interes! Bago ka magsimula, basahin muna ito — 2 minuto lang.
ANO ANG TRABAHO?
Ikaw ang maghahanap at magmamaintain ng mga bagong buyer namin — bakery, restaurant, canteen, at retailer na kailangan ng regular na supply ng itlog.
- Dapat nasa: SJDM, Bulacan (o malapit — QC, Caloocan)
- WFH / Flexible schedule — ikaw bahala sa oras mo, may weekly check-in lang
- Ikaw ay Independent Sales Agent, hindi regular employee — walang fixed na 8-5 na oras
---
MAGKANO ANG KIKITAIN MO?
Commission: ₱5 kada tray na naibenta — WALANG CAP. Mas marami ka magbenta, mas malaki kikitain mo.
Monthly Allowance: Hanggang ₱10,000/buwan — pero HINDI ito automatic.
Paano ma-unlock ang Allowance:
- Buwan 1 (Proving Period): Target ay 500 trays/linggo. Commission-only muna habang nagpapa-proving.
- Buwan 2 pataas (Maintenance): Kailangan umakyat sa 1,000 trays/linggo, ng 2 sunod-sunod na linggo, para ma-unlock ang ₱10,000 na Allowance (1 month contract).
- Kailangan i-maintain ang 1,000 trays/linggo kada buwan para tumuloy ang Allowance sa susunod na buwan (renewal of contract).
MAHALAGA: May strict quota ito. Hindi ito para sa "basta may extra income lang." Ito ay para sa taong seryosong magbebenta, may disiplina, at handang magsipag talaga. Ang Allowance ay HINDI fixed o guaranteed — base ito sa consistent na performance, at maaaring hindi ma-unlock o hindi ma-renew kung hindi maabot ang quota.
---
MGA KWALIPIKASYON
- Nakatira sa o malapit sa SJDM, Bulacan (o QC, Caloocan, at kalapit na lugar)
- May kakayahang makipag-usap at mag-negotiate nang maayos sa mga business owner
- May sariling paraan ng pagbiyahe papunta sa mga potential na buyer
- May disiplina at determinasyong ma-hit ang quota kada linggo, kahit walang nakatutok na supervisor
- May sariling cellphone/internet access para sa pag-communicate at pag-report
---
DATA PRIVACY NOTICE
Sa pag-fill up ng form na ito, ikaw ay sumasang-ayon na ibigay ang iyong personal information (kasama na ang pangalan, contact details, address, at resume/CV) para sa layunin ng recruitment at screening process ng Bulacan Egg Dealer (R2S Trading).
Ang lahat ng impormasyong ibibigay mo ay:
- Gagamitin lamang para sa employment screening at evaluation
- Hindi ibabahagi sa third-party na walang kaugnayan sa recruitment process
- Itatago nang secure at sasang-ayon sa Data Privacy Act of 2012 (RA 10173)
Mga Paalala Bago Magpatuloy:
- Siguraduhing kumpleto at totoo ang lahat ng ibibigay na impormasyon
- Ang pag-apply ay hindi garantiya ng trabaho — kasama ito sa proseso ng screening at interview
- Ikaw ay mag-a-apply bilang Independent Sales Agent, hindi bilang regular employee

[Job Disclosure] KUMPIRMASYON BAGO MAGPATULOY

[DATA PRIVACY] KUMPIRMASYON BAGO MAGPATULOY