Layunin ng Island Engineering Outdoor Grant Program na bigyan ng pagkakataon ang mga Pilipino na makilahok sa mga running at outdoor event sa iba’t ibang panig ng bansa.
Sa unang edisyon ng programa, katuwang namin ang Cordillera Mountain Ultra (CMU) sa pagbibigay ng 10 grant para sa mga runner na nais lumahok ngunit hadlang ang gastos.
Sasagutin ng bawat grant ang race registration at ang balikang biyahe mula Manila para sa karera sa December 13, 2026. Bukas ang grant para sa 5K, 10K, 25K, at 50K.
Para mag-apply, sagutan ang form sa ibaba at magpasa ng maikling video kung saan ipakikilala mo ang iyong sarili, ibabahagi ang iyong karanasan sa pagtakbo, at ipaliliwanag kung bakit nais mong lumahok sa CMU.
Tatanggap ng aplikasyon hanggang November 30, 2026.